Pag-aresto kay Devanadera ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ngayon ng Sandiganbayan 5th Division ang pag-iisyu ng warrant of arrest kay dating Justice Secretary Agnes Devanadera kaugnay sa alegasyong hindi makatarungan at iligal na pagtanggap ng sobra-sobrang allowance noong 2007, ang panahon kung kailan nagtitipid ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Pinauuna muna ni Presiding Justice Roland Jurado na resolbahin ng prosecution panel ang motion for reconsideration na isinumite ng kampo ni Devanadera.

Pinatatapos sa loob ng 45 araw ang pagsiyasat sa mosyon ni Devanadera at pinatatapos muna ng hukom ang preliminary investigation sa Ombudsman.

Inatasan din ng Sandiganbayan ang prosekusyon na alamin kung ang kaso ni Devanadera at ng iba pang kasama nito ay puwedeng piyansahan o hindi.

Katulad ni Devanadera, may iba pa siyang kasamahan na sangkot sa iligal na pagkamal ng sobra-sobrang allowance.

Nauna nang pinabulaanan ni Devanadera ang akusasyon laban sa kanya.

Aniya, hindi siya nakinabang ng sobra-sobrang pera dahil hindi naman aniya siya nakatatanggap ng sapat na bayad bilang abogado.

Aniya, dapat ay P7 milyon ang matatanggap niya, ngunit sumingil lamang siya ng P500,000.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply