Pag-export ng yamang dagat oks kay Zubiri

HINDI irerekomenda ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang pagbabawal sa exportation ng lahat ng mga yamang dagat tulad ng shells at iba pang katulad na produkto.

Ayon kay Zubiri, chairman ng Senate committee on environment and natural resources,  hindi siya ang dapat magrekomenda kundi ang Law of Nature Foundation na pingungunahan ni Anna Oposa.

Ito ang isa sa tinalakay sa ginanap na pagdinig ng komite kaugnay ng nasabat na milyon-milyong halaga ng black corals mula sa Moro Gulf.

Binigyang-diin ng senador na may mga batas na umiiral kung saan nakasaad kung anong uri ng yamang dagat ang ipinagbabawal na kolektahin at pagkakakitaan.

Dahil dito, wala umanong dapat ipangamba ang Shell Craft Industry lalo na sa Cebu hanggat wala silang mga paglabag sa batas.

Ngunit nagbabala ang senador na sakaling may mga paglabag sa umiiral na batas ang naturang pagawaan ng produkto mula sa yamang dagat, siya mismo ang mangunguna sa pagsasampa ng kaso.

Hindi rin pinalampas ng senador ang pasaring na sinasamantala nito ang publicity sa pagdinig ng kanyang committee sa pagsasabing tungkulin niya na magsagawa ng mga pagdinig at imbestigasyon lalo’t siya ang pinuno ng lupon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply