Pag-ulan walang humpay, 8 patay sa China

DAHIL sa walang humpay na pananalasa ng malakas na ulan, walo katao naang iniulat na namatay, ilan sa kabahayan ang winasak at bumara sakalsada, sa Baijing China.

Nitong nakaraang buwan ay naiulat ng awtoridad na libo-libong residenteang napilitang lumikas ng kanilang tahanan nang dahil sa pagtaas ngtubig baha na nag-iwan ng 170 katao na iniulat na namatay kabilang naang mga nawawala.

Batay sa pinakahuling ulat, dalawa katao ang namatay sa southernprovince ng Guizhou nang tamaan ng kidlat, samantala, dalawa naman ang namatay nang anurin ng tubing baha nitong nakaraang Biyernes at apat din ang namatay nang malunod sa baha.

Batay sa pahayag ng Ministry of Civil Affairs, ang patuloy na pag-ulan at pagbaha nitong nakaraang Biyernes ay nag-iwan ng 25-kataong namatay, 25 ang nawawala  at 671,200 ang napilitang lumikas sa kani-kanilang bahay.Mula pa noong nakaraang linggo hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulat sa naturang lugar.Bukod dito, iniulat pa ng awtoridad na ang daanan ng tren ay natabunan ng malalaking puno dahil sa landslides sa southwestern ng China at na-stranded ang halos 5,000 pasahero sa apat na istasyon ng tren.Batay pa sa report, tinatayang  1,200 manggagawa ang patuloy na nagsasagawa ng clearing operation sa bahagi ng Chengdu-Kunming railwayline, na nag-uugnay sa kabisera ng Sichuan at Yunnan province.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply