Pagbabalik ni LTO chief Torres tuloy

WALA nang makapipigil sa pagbabalik sa Land Transportation Office (LTO) ni Assistant Secretary Virginia Torres bilang hepe ng ahensya.

Ito’y matapos ang 60-araw na bakasyon upang mabigyang daan ang imbestigasyon kaugnay sa naging reklamo ng Stradcom Corp.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Poffice Secretary Ricky Carandang na kahit magbabalik na sa LTO si Torres ay patuloy ang pagrerebisa ng Malakanyang sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) sa kaso nito.

Nauna nang inirekomenda ng DOJ na sasampahan ng kasong gross neglect of duty at incompetence si Torres dahil sa armadong pag-takeover sa pasilidad ng Stradcom noong Disyembre ng nakaraang taon.

Matatandaang nanawagan ang militant transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa pamahalaan na ibasura na nito ang kontrata sa Stradcom.

“It would be wrong for the LTO to go back to manual operations. But this does not mean that Stradcom should still be the company operating the LTO’s computer systems, especially because of the factional conflicts and internal squabbles that could prove detrimental the public,” ayon kay Piston secretary-general George San Mateo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply