Pagbagsak pa ng rating ni PNoy inasahan na

HINDI na ikinagulat ng mga kongresista ang muling pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ani Zambales Rep. Milagros Magsaysay, hindi biro ang 5 porsiyentong pagbaba sa rating ni Aquino sa loob ng tatlong buwan.

Mula sa positive 51 ratings noong Marso at bumaba ito sa positive 46 sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Hunyo 3-6 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Magsaysay, ibig sabihin umano nito ay nadaragdagan ang mga Pilipinong hindi na nasisiyahan sa trabaho ni Pangulong Aquino, na mag-iisang taon nang nakaupo matapos manumpa noong Hunyo 30, 2010.

Iginiit pa ni  Magsaysay  na  nakaapekto rin ang isyu ng KKK o “Kaibigan, Kaklase at Kabarilan,” na mga miyembro ng Gabinete na mula’t sapul nang maitalaga ay hindi na nakaiwas sa mga kontrobersiya.

Nagbabala pa si Magsaysay na kapag walang naging hakbang si Pangulong Aquino sa mga nabanggit na usapin ay posibleng lumubog nang tuluyan ang rating nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply