Pagbaha sa Cotabato City lumalala

DAHIL sa patuloy na pag-uulan sa ilang bahagi ng Central Mindanao, lumalala ang pagbabaha sa Cotabato City, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC)

Ayon kay Sam Mundas ng Cotabato CDRRMC, kahit na ang ilang evacuation centers ay nanganganib na ring maabot ng tubig-baha dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig ng Rio Grande de Mindanao na mas pinalulubha pa sa pagsalubong ng tubig-alat sa panahon ng high tide.

Hindi pa rin umano naaalis ang mahigit sampung ektaryang water lily na bumabara sa daluyan ng tubig malapit sa Delta Bridge at iba pang ilog sa lungsod dahilan para umangat ang level ng tubig sa Rio Grande at pumasok ito sa kabahayan sa 30 barangay ng Cotabato City.

Problema rin ang patuloy na pagdating ng bultu-bultong water lily mula sa Liguasan Marsh na mas lalung nagpapahirap sa isinasagawang clearing operations sa Delta Bridge ng mga sundalo, pulis, residente at maging ng mga empleyado ng mga regional office.

Inaasahan pang mas lalala ang siwasyon dahil sa pag-uulan na dulot ng bagyong Egay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply