Pagbaha sa Maguindanao tumitindi

UMABOT na sa 13 bayan naman sa Maguindanao at sampung bayan sa Cotabato ang nakararanas sa kasalukuyan ng baha bunsod ng walang tigil na pag-ulan dulot ng sama ng panahon sa Mindanao.

Dahil dito, ipinag-utos na rin ang forced evacuation sa lungsod ng Cotabato bunsod ng lumalawak na pagbaha sa 25 barangay, kung saan walong paaralan ang sinuspinde ang klase.

Nanawagan na ng tulong ang mga lokal na opisyal kay Pangulong Benigno Aquino lll para sa pangangailangan ng mga dumaraming evacuees at milyun-milyong-pisong pinsala dahil sa kalamidad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply