Pagbili ng armas hindi dahil sa Spratlys — AFP

IKINAILA ng Armed Forces of the Philippine na may kinalaman sa umiinit na usapin sa South China sea hinggil sa pinag-aagawang Spratlys Group of Island ang ulat na pagbili ngayon ng Pilipinas ng mga sandatang pandigma sa United States.

Ayon kay  AFP Public Information Office chief Col. Arnulfo Burgos, walang arm build up na isinasaagwa ang hukbong sandatahan sa halip ay bahagi lamang ito ng matagal nang AFP modernization program.

Nilinaw pa ng AFP PIO chief na ang pagpapalakas ng puwersa, sa gitna ng tensyon na bunsod ng mainit na isyung nakapalibot sa South China Sea ay bahagi ng kanilang mandato para proteksyunan ang sambayanan at integridad ng bansa.

Nabatid na sa susunod na buwan ay nakatakdang dumating sa bansa ang bagong bili na US Coast Guard “Hamilton” class cutter, isang patrol vessel na sinasabing pinakamalaking barko na matatanggap ng Philippine Navy na agad itatalaga sa bahagi ng Palawan.

“Pag dumating na iyan sa ating arsenal, sa ating inventory sa Armed Forces of the Philippines, ito na ang pinaka-mabilis nating barko at malaking tulong ito sa pagpapatrolya sa ating mga karagatan,” dagdag ni Col. Burgos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply