Pagbubukas ng klase magiging maulan– Pagasa

ASAHAN na magiging makulimlim ang papawirin at maulan ang unang araw ng pagbubukas ng klase bukas, Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)

Pinayuhan ng ahensya ang mga mag-aaral na magdala ng panangga laban sa ulan gaya ng payong, kapote at panlamig na jacket.

Gayunman, ayon sa Pagasa, kahit na mas malaki ang mga bahagi ng Pilipinas na magiging maulan asahan din ng mayroong mga lugar na makararanas ng mainit na panahon gaya sa hilagang Luzon, dahil sa ridge of the high pressure area (HPA).

Sinabi ng Pagasa, wala ring namataan na sama ng panahon sa paligid ng Philippine area of responsibility (PAR), kaya tiyak wala
pang papasok na bagyo hanggang sa mga susunod na araw.

Samantala, ang temperatura ngayong araw, Linggo, ay nasa pagitan ng 25-34 degrees celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply