Pagburo sa biofuel law, kakalkalin sa Hulyo

TULUYAN nang napikon ang isang environmentalist na senador matapos malaman na binuro lamang ng pamahalaan ang Biofuels Act of 2006 na tutugon sanang kapalit ng pag-aangkat ng langis kaya  nakatakda nang imbestigahan ang isyu sa pagbubukas ng Kongreso.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, kung mahigpit lamang na naipatupad ng pamahalaan ang Biofuels Act, disin sana ay nabawasan ang inaangkat na langis ng bansa na lubhang napakataas ng presyo sa ngayon sanhi ng sigalot sa Gitnang Silangan at Kanlurang Aprika.

Noong Mayo unang inungkat ni Zubiri ang isyu sa harap ng lumalalang krisis sa suplay ng langis kaya  nagbanta itong maghahain ng resolusyon upang imbestigahan ang implementasyon ng naturang batas.

Sinabi ng senador na kinailangan pa niyang kalampagin ang mga ahensiya ng gobyerno para magtrabaho sa implementasyon ng nasabing batas na makakabawas sa oil dependence ng bansa.
“Pinag-usapan na namin ng DOE ang implementation ng biofuels para makatulong sa ating mga kababayan eh hanggang ngayon parang wala akong nakikitang ginagawa ng ating gobyerno,” patutsada ng senador.
Nauna nang binisita ni Zubiri ang isang ethanol plant sa lalawigan ng Isabela, isa sa mabagal na produkto ng biofuels act.
“Sana madagdagan ang ating mga ethanol plants sa bansa para matulungan natin itong tinatawag na fuel independence or energy independence kasi kung mag-aangkat lamang tayo ay talagang wala tayong magagawa kung inaangat nila ang world price,” paliwanag ng senador.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply