Pagcor magtatayo ng 1,000 classrooms

PARA tugunan ang malaking problema sa kakulangan ng classroom sa buong bansa ay nagkaisa ang Department of Education (DepEd) at ang  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magtayo ng dagdag na 1,000 silid aralan para magamit sa taong 2011-2012.

Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, nakatakdang lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang DepEd at PAGCOR mamayang hapon para sa itatayong mga classroom sa ULTRA Gymnasium.

Kabilang sa mga lalagda ng MOA ay si PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat at ilang matataas na opisyal ng kagawaran at ilang accredited Non Government Organization (NGO’s) na magiging katuwang  sa paggawa.

Matatandaan na matagal nang idinadaing ng DepEd ang problema sa malaking kakulangan sa silid aralan sa buong bansa na nagiging hadlang sa pagbibigay ng quality education.

Kamakailan ay inihayag din ng pamahalaang panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pangunguna ni Gov. Nene Ramirez-Sato na magtatayo sila ng isanglibong silid aralan para mapunan ang kalahati sa kanilang kakulangan ng classroom.

Inaasahan ng DepEd na marami pang lokal na pamahalaan, ahensiya ng gobyerno at NGO’s ang susunod sa yapak ng Occidental Mindoro at PAGCOR para tumulong sa problema sa classroom shortage sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply