Pagdiriwang ng Araw ng Maynila tuloy kahit bumabagyo

TULOY pa rin ang selebrasyon ng ika-440 pagdiriwang ng kaarawan ng Maynila kahit patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan na nagdulot na pagbabaha sa lungsod.

Pangungunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang nasabing pagdiriwang na gaganapin sa Bonifacio Shrine.

Sakali umanong patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulang dulot ng bagyong “Falcon,” ililipat ang venue ng selebrasyon sa mas ligtas na lugar.

Magkakaroon din ng misa sa San Agustin Church at ang pag-aalay ng mga bulaklak sa puntod ni Miguel Lopez de Legaspi.

Isasabay na rin sa pagdiriwang ng araw ng Maynila ang pagbibigay ng parangal sa ilang natatanging manggagawa sa lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply