Pagawaan ng armas sinalakay; 16 katao arestado

SINALAKAY ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang paggawaan ng mga armas na nagresulta pagkaka-aresto sa 16 katao kaninang hatinggabi sa Barangay Dungoan Danao City.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang pagkaka-aresto sa mga suspek ay kaugnay sa search warrant na inisyu ni Judge Silvestre Maamo Jr. laban sa isang Florito Boyet Roble empleyado ng League of Danao Multi Purpose Coop o World MPC dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1866 o Illegal Manufacturing of Firearms.

Ngunit nang aarestuhin na nila ang suspek tumambad sa mga awtoridad ang labing 16 na katao na aktong gumagawa ng iba’t ibang uri ng baril.

Sa inisyal na bilang, nasa 13 pirasong baril ang tapos nang gawin ng mga suspek habang 66 pa ang hindi pa tapos.

Tinatayang umaabot naman sa P2 milyon ang halaga ng mga iba’t ibang klase ng parte ng baril at iba pang kagamitan ang nakumpiska ng mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply