Paghahanap ng natatanging mason, inilunsad ng Tesda

INILUNSAD Miyerkules, Hunyo 15, ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa tulong ng Holcim Philippines ang “Search for Outstanding Mason” sa ilalim ng “Galing Mason Award” sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang programa ay ginanap sa Mini Ballroom, sa Ground Floor ng The Legend Hotel Puerto Princesa ganap na ika-10:00 hanggang ika-12:00 ng tanghali sa pangunguna ni Tesda Palawan, Director Arnel M. Campued at mga kinatawan ng Holcim Philippines sa pangunguna ni Eliza delos Santos, CSR coordinator.

Ayon sa Tesda, libre ang lahat ng mga materyales na gagamitin sa patimpalak mula sa Holcim Philippines. Layon ng patimpalak  na maitaas pa ang kaalaman ng mga mason sa buong lalawigan ng Palawan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply