DOH: Maghugas ng kamay para iwas scarlet fever

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na palaging maghugas ng kamay para makaiwas sa scarlet fever.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH National Epidemiology Center,  kahit hindi pa pumapasok sa bansa ang scarlet fever na mula sa Hong Kong ay mabuting malaman na ng publiko kung paano makaiiwas sa sakit.

Ipinaliwanag ni Tayag na ang scarlet fever ay isang airborne at passive disease o nakahahawa mula sa simpleng pagbahing at pag-ubo.

Nagpakalat na ng mga tauhan ang Department of Health sa mga evacuation centers at mga binabahang lugar bilang bahagi ng mas mahigpit nilang monitoring sa mga water-borne diseases.

Kasabay nito sinabi ni Tayag na pag-iingat pa rin ang pinakamabisang paraan upang makaiwas sa mga karaniwang sakit na nakukuha tuwing panahon ng tag-ulan.

Payo ni Tayag, iwasan ang pagpapaulan, ugaliing hugasan ang mga paa pagkatapos lumusong sa baha at tiyakin aniyang malinis ang mga pagkain at inuming tubig na ipinapasok sa katawan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply