Pagiging anti-crime czar ni Ochoa inalmahan

HINDI magiging epektibong anti-crime czar si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Paliwanag ni dating Justice Secretary at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong na masyado nang maraming trabaho si Ochoa para asikasuhin pa ang kaso ng kriminalidad sa bansa.

Iginiit ng kongresista na mas marami pa namang kwalipikado para sa naturang posisyon na higit na may sapat na kaalaman sa pagsugpo sa krimen.

Pero depensa naman ni Antipolo City Cong. Romeo Acop, prerogative pa rin ng Pangulo ang pagtatalaga ng mga opisyal na sa tingin niya ay mapapakinabangan sa naturang posisyon.

Inihalimbawa ni Acop ang pagtatalaga noon ni dating pangulong Fidel Ramos kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang anti crime czar kahit ito ang bise presidente ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply