Paging GMA-7: Starstruck 2 finalist may breast cancer…needs help!

SA SHOW business talaga, walang kasiguruhan ang lahat-lahat.

Swerte mo lang kung sumikat ka at nagkapangalan pero kung hindi, kawawa ka lang.

Perfect example itong si Ana David who’s right now languishing with a breast cancer ailment in Pampanga.

“Di naman siya makapagpagamot dahil mahirap lang po sila at walang pera,” so says a concerned friend who texted us the other day to inform us about the hapless predicament of this former Kapuso talent.

“Sana naman po ay mabasa ito ng Kapuso network at matulungan naman nila ang isa nilang talent dati na ngayo’y hard life talaga at di na nga magawang ipagamot ang kanyang sakit dahil walang maitustos ang kanyang mga magulang.”

Sang-ayon sa nag-text sa atin, ka-batch daw nina Mike Tan at Ryza Cenon si Ana sa Starstruck 2 kung saan isa siya sa mga naging finalists.

“Nabigyan naman po siya before ng mga supporting roles lang kaya wala naman siyang naipon,” so says our source.

“Tulad po ng sinabi ko kanina, mahirap lang po sila kaya nga di nila maipasok sa ospital si Ana.

“Sana man lang po ay makarating ito sa GMA at mabigyan naman po siya ng work para may pangpagamot po siya.”

Ang contact number ng aming source ay ang kanyang Sun cell number na 09239624930. Sana’y i-feature man lang siya sa “Wish Ko Lang” ni Ms. Vicky Morales para matulungan naman ang batang ito.

‘Yung mga kaibigan niya sa GMA at pati na ‘yung mga ka-batch niya sa Startruck, kindly lend a helping hand to a colleague who needs your succor so very badly.

We are also appealing to the kind-hearted Ms. Mel Tiangco and her Kapuso Foundation. Kung nakatutulong nga kayo sa iba riyan, why not a Kapuso talent who is badly in need of your financial assistance

***

JC Regino na-touch sa all-out support ni Vic del Rosario

NANG ikontrata sila ng Viva Records barely a year ago ng erpats niyang si April “Boy” Regino, sobrang tuwa ang naramamdaman ni JC Regino, so much so that he had decided right then and there that he would let go of some job opportunities in Las Vegas and would concentrate in our country to pursue his dream of becoming a popular recording artist just like his dad.

“Okay naman po sana ang work ko sa Las Vegas, as a matter of fact, I already worked for Bank of America while performing with my dad and my sister Charmaine sa mga gigs namin within the area,” informs JC.

“Pero iba po talaga ang kaway ng entertainment kaya heto ako,” he goes on in earnest, “at nag-decide na i-try ko muna ang luck ko rito sa atin bago ko subukan sa ibang bansa.”

So far, okay naman ang kanyang desisyon dahil impressed naman sa kanya ang big boss ng Viva at nagdesisyon nga itong gawan siya ng isang solo album pretty soon.

Palagay ba niya ay kaya niyang makipagsabayan sa mga nauusong recording artists sa ngayon sa local tin-pan alley?

“Mahirap naman pong magyabang pero sa tingin ko,” he says with confidence and pride in his voice, “Kaya ko naman.

“Mas gusto ko ‘yung mellow rock na mga kanta dahil doon talaga nababagay ang boses ko.

“Sa previous experiences ko sa Las Vegas at iba pang lugar sa States, meron naman po akong talent na di naman inferior kung ikukumpara sa iba.”

For someone who stayed in the US of A for quite sometime, he seems not to have acquired that kind of thwang that most Pinoys in the US have.

“Kung Americans ang kausap, kaya naman nating makipagsabayan,” he coos.

“After all, ang tagal na rin namin doon. Pero ang tatay ko, di niya kinalilimutan ang sariling wika natin kahit saan man kami makarating kaya fluent pa rin kami sa Tagalog at walang thwang na maituturing.”

Ang single on promo nga pala niya ngayon ay ang awiting “Ang Buhay Ko’y Para Sa ‘yo” na siya rin ang composer.

“It runs in the family, di ho ba?” he banters.

Oo nga naman.

***

Ang misteryo ni Hans Ivan Ruiz…bow!

SENSATIONAL topic these days ang gory stabbing incident sa bahay ng direktor na si Ricky Rivero. From sheer anonymity, Hans Ivan Ruiz has become a popular household name when he stabbed the former Viva actor-turned director 17 times.

Pero bakit nga ba nagawa niya ito gayung hindi naman siya isang drug addict and is supposedly studying in a good school like San Sebastian College Recoletos in Manila?

Sabi ni Ricky sa kanyang interview sa “The Buzz,” madalas raw mag-sleep over sa kanyang bahay ang kontrobersyal na lalaking ito who is supposedly twenty-two years of age already.

Sang-ayon sa narrative ni Direk Ricky, nagulat na lang daw siya bago mag-ala-una ng madaling araw dahil nagising siyang nasa ibabaw niya si Ivan at sinasaksak siya nang sinasaksak.

Nang mag-die down daw ang rage ni Ivan, nagpunta siya sa banyo para tingnan kung gaano katindi ang nagawang damage sa kanya.

Sinundan siya roon ni Ivan at sinakal ng twalya sabay sabing kailangan niya ng pera dahil may sakit ang tatay nito.

Pagkatapos ng struggle, nakuha raw niya ang susi ng kotse niya kaya nag-drive siya papuntang hospital habang dasal nang dasal na sana’y huwag naman siyang mag-pass-out hangga’t di pa nakararating sa ospital.

It was a good thing na nakarating naman siya sa Heart Center hanggang sa mai-transfer na siya sa St. Luke’s.

Going back to Ivan, hindi raw talaga ini-expect ni Direk Ricky na magiging bayolente ito since he was always the silent type and they never did have any squabble before or prior to that.

Well, ganyan talaga. With the hard times, we must be extra-careful with the people we allow to stay in the privacy of our abode.

***

Nasupalpal si Marianita Lukresya dahil si Sam Pinto ang win sa FHM!

HAHAHAHAHA! Naaning-aning ang gimikerang matandang si Marianita L. hahahaha!

Kaliwa’t kanang gimmick na ang ginagawa but sadly though, to no avail. Si Sam Pinto pa rin ang Winnie Castello sa FHM at walang nagawa ang kanyang mga loyalists para manalo siya ever. Hakhakhak!

Anyway, Sam’s success could largely be attributed to the full support of her product endorsements.

Talagang nag-all out sila para suportahan ang kanilang endorser kaya walang nagawa si Marianita L. hakhakhak!

And speaking of the woman afflicted with dementia, how come Bubonika is not coming to her rescue?

Nati-tense tuloy sina Babes at Gerry Oliva dahil nami-miss nila ang mga pagtataray ng kanilang lola. Hakhakhak!

Kahit nga si Amben, the lesbo who used to work for the defunct Mariposa is quite disenchanted with Bubogski’s intriguing silence.

Hahahahaha!

Baka naman shakira pa ang lola dahil tinapatan sila ng show ni Ate Kris Aquino. Hahahahahaha!

Tigbakers na nga nu’ng time na walang katapat, how much more now that Krizzy baby’s show is there to give her the nightmare of her life?
Hahahahaha!

Poor lola, why don’t you join the cast of “Mamaya Na” so that it’s going to flop even more? Hakhakhak!

Pareho na kayong osla, mga lola. Maggansilyo na lang kayo. Better pa. Hahahaha!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply