Pagkahilig ni PNoy sa baril kinastigo

HINDI magandang halimbawa sa publiko, partikular sa mga kabataan ang pagkahilig sa baril at target shooting ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ito ang paniniwala ni Basilan Bishop Martin Jumoad at binigyan ng payo ang pangulo na dapat nitong isakripisyo ang kanyang mga nakagawian noon gaya ng pagkahilig sa baril dahil isa siya sa tinitingalang lider ng bansa.

Ayon kay Jumoad,  kung mismong ang pangulo ang mahilig sa baril ay hindi makakamit ng bansa ang isang gunless society.

Dagdag pa ni Jumoad, laganap na sa bansa ang loose firearms na nagiging sanhi ng lumalalang kriminalidad tulad ng hindi mapigil-pigil na pagpaslang sa mamamahayag.

Aniya pa, marami ng kabataan ang nahihilig na humawak at gumamit ng baril dahil mismong mga lider ng pamahalaan ang nagiging ehemplo nila.

Sa kabila nito, iginagalang umano ng Obispo, anuman ang magiging desisyon ng pangulo sa usapin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply