Pagkain tinira, binata binira ng kapitbahay

PATAY ang isang binata matapos saksakin ng kanyang kapitbahay nang pagbintangan ng huli na ang una ang kumain ng kanyang pagkain sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Hunyo 29.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Vicente Aramis, 38, ng Corigidor st., 10th Avenue, nasabing lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Silvino Meneses, 56 at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong 10 ng gabi, nanonood ng telebisyon ang biktima sa tapat ng junk shop sa nasabing lugar nang lapitan at komprontahin ng lasing na suspek.

Nabatid na nag-ugat ang pamamaslang nang pagbintangan ng suspek na ang biktima ang kumain ng kanyang pagkain.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply