Pagkamatay ng ex-Quezon gov pinaiimbistigahan sa DOJ

DUMULOG kay Justice Secrertary Leila de Lima ang asawa ni dating Quezon Gov. Rafael Nantes, na nasawi sa isang plane crash noong Mayo ng nakalipas na taon.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Betty Nantes, nais nilang paimbestigahan sa Department of Justice (DOJ) ang pagkamatay ng kanyang asawa dahil duda siyang aksidente ang sanhi ng pagbagsak ng chopper, kung saan sakay ang dating gobernador.

Hindi umano siya kumbinsido sa findings ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pilot error ang sanhi ng insidente.

Inilahad pa ni Gng. Nantes na bago pa man sumakay ng chopper ang kanyang asawa ay may ilan na itong tagasuporta na nakatanggap ng text na nagsasabing patay na ang dating gubernador.

Makikipagkita daw sana si Nantes kay Atty. Romulo Macalintal sa Maynila bitbit ang mga ebidensya kaugnay sa umano’y dayaan sa eleksyon sa kanilang lugar, kabilang ang chips ng memory card ng PCOS Machine.

Bumagsak ang sinasakyan nitong chopper sa Barangay Iyam, Lucena City.

Tinukoy naman ng abugado ni Gng. Nantes na si Atty. Tony Collado na positibo ang naging tugon sa kanila ni De Lima at sinabi raw nitong iuutos niya ang imbestigasyon.

Nabatid na ikukunstulta sana ni Nantes, re-electionist noong nakalipas na taon, kay Macalintal ang ihahaing electoral protest nang maganap ang aksidente.

Ipinaliwanag ni Collado na ngayon lamang nila naidulog ito sa DOJ dahil matagal na panahon silang nangalap ng ebidensya. Gayunman ay tumanggi itong ibunyag ang mga ito.

Ayon kay De lima, magbubuo ang DOJ ng panel na magsasagawa ng pagsisiyasat hinggil sa alegasyong sinadya ang pagpatay sa dating gobernador.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply