Pagkansela sa ARMM polls pagbobotohan sa Lunes

ITINAKDA ni Senate President Juan Ponce Enrile sa Lunes ang araw ng botohan sa kontrobersiyal na pagpapaliban ng nakatakdang halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Sa panayam bago simulan ang sesyon, sinabi ni Enrile na inaasahang matatapos ang deliberasyon ng pros at cons ng panukala ngayong araw ng Miyerkoles, dahil sertipikadong urgent ni Pangulong Benigno Aquino ang panukala.

Aniya, inaasahang mapagbobotohan ang panukala sa darating na Lunes upang sumaktong maisabatas ang panukala bago magbakasyon ang Kongreso sa Hunyo 9.

“Hopefully today matatapos, Monday magbobotohan. This is something urgent, wala nang panahon. We are going on a Sine Die. Hindi pwede yung ididribble-dribble, hindi basketball ito,” dagdag ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na hindi na kailangan pang magkaroon ng bicameral conference committee kung wala naman umanong malalaking diperensiya sa magkahiwalay na bersiyon mula sa Mababang Kapulungan at Senado.

“Depende sa sponsor, sa author ng Bill. Kung walang diperensiya yung dalawang Bill, kung identical, wala ng Bicam,” aniya.

Sa Senado, idenedepensa ni Sen. Franklin Drilon ang sariling bersiyon nito na kasalukuyang isinailalalim sa deliberasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply