Paglabag ng PLDT sa Konstitusyon pinaiimbestigahan ng SC

INIUTOS ng Supreme Court sa Securities and Exchange Commission (SEC) na imbistigahan ang mga alegasyon na lumabag sa probisyon ng Saligang Batas patungkol sa foreign ownership ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

Sa pag-aaral ng korte lumitaw na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng SEC nang mabigo itong mabantayang mabuti ang mga pinaiiral na nationality requirement sa ilalim ng konstitusyon hinggil sa kung hanggang saan lang ang pwedeng maging pag-aari ng isang dayuhan.

Ito ay matapos na mabigo ang SEC na umaksyon, sa kabila ng noon pang 2010 ay nagsumite na ang PLDT ng kanilang general information sheet kung saan lumalabas na mas lamang ang mga dayuhan na may control sa PLDT.

Sa ilalim ng batas, dapat na 60 na porsyento ng isang kumpanya ay pag-aari ng mga Filipino na taliwas sa nangyari sa PLDT.

Gayunman, bagamat nakasaad sa information sheet ng kumpanya na 99.44 percent ng preferred shares ay pag-aari ng mga Filipino ay hindi naman ito maaaring bumioto para sa mga pangunahing posisyon sa kumpanya.

Una nang naghain ng petition for injunction at pagpapatigil sa pagbebenta ng PLDT shares na nagkakahalaga ng P26.5 billion sa First Pacific noong 2007.

Sa kaniyang petisyon, iginiit ni Atty. Wilson Gamboa na 61.8 % ng PLDT ay pag-aari ng First Pacific Company, isang kumpanya na pag-aari naman ng isang Indonesian firm.

Kabilang sa mga respondents sa petition sina dating Finance Secretary Margarito Teves, PLDT Chairman Manuel Pangilinan, PLDT President and Chief Executive Napolen Nazareno, First Pacific Chairman Anthoni Salim at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply