Paglabas sa Bilibid ng mga preso hihigpitan

DALAWANG linggo matapos ang insidente ng kontrobersiyal na paglalabas-pasok sa bilangguan ni dating Batangas governor Antonio Leviste ay naglabas ng memorandum circular ang Department of Justice (DOJ) para sa mas detalyadong panuntunan na dapat sundin kung kailan dapat lumabas ng bilangguan ang isang preso.

Inatasan ni Justice Secretary Leila de Lima ang Bureau of Corrections (Bucor) director na kailangang mayroon munang approval niya bilang kalihim ng DOJ o pirmado ng kanyang duly authorized representative bago payagang makalabas.

Bukod dito, nakasaad din sa ilalim ng nasabing kautusan na maaaring lumabas ng confinement facility ang isang preso kung dadalo sa pagdinig sa korte  base sa subpoena na inisyu ng korte o kung pupunta sa government agencies base sa utos ng awtoridad na dapat ay may written request.

Kailangan din daw na nakasaad ang bilang ng araw na mailalagay ang inmate sa pangangalaga ng ahensiya.

Pangalawa, kung sasailalim sa medical examination o kaya ay pupunta sa ospital at kung dadalaw sa burol ng namayapang kamag-anak.

At para maiwasan ang pagtakas kailangang susunduin ang preso sa BuCor penal facility ng mga personnel ng ahensiya kasama ang taga-BuCor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply