Paglilinis sa Japan nuke plant itinigil

Pansamantalang itinigil ng Tokyo Electric Power Co. (TEPCO) ang isinasagawang paglilinis sa Fukushima Daiichi nuclear power plant dahil tumaas umano ang radioactive level sa naturang planta.

Ayon sa TEPCO pansamantala lang umano ang pagpapatigil sa paglilinis ng radio active materials sa planta. Kapag bumalik na uli sa normal na level ang radiation, babalik din kaagad ang mga manggagawa roon.

Matatandaang nag-melt down ang isang nuclear reactor ng planta dahil sa malakas na lindol at tsunami na tumama sa bansang Japan ilang buwan na ang nakararaan.

Walang naiulat na namatay sa planta subalit apektado ang halos 100,000 katao na nakapalibot sa planta dahil sa banta ng radiation.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply