Paglilitis sa Ampatuan case mapabibilis

MALAKI ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III na higit na mababantayan ng publiko at lalong mapabibilis  ang pag-usad ng Maguindanao massacre case matapos aprubahan ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng live coverage ng lahat ng media outfits sa pagdinig sa nasabing kaso.

Ayon sa Pangulo, hindi na magpapabalik-balik pa ang mga kaanak ng mga biktima mula sa Mindanao papuntang Maynila para lamang masundan ang takbo ng kaso.

Kaugnay nito, sinabi rin ng Pangulo na ito rin ay upang makabuo ng bagong batas at itatama ang mga mali upang hindi na maulit pa ang madugong pangyayari.

Una ng pinasalamatan ni Aquino ang Korte Suprema dahil nakinig aniya ang mga ito sa hiling ng taumbayan.

Matatandaan na unang nagpalabas ng ilang alituntunin ang Korte Suprema hinggil sa pagpayag nito sa live media coverage para sa Maguindanao massacre trial.

Ayon kay Supreme Court spokesman Jose Midas Marquez, ginawa nilang basehan ang naunang petisyong inihain ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ang sulat na ginawa ng Pangulo kay Chief Justice Renato Corona.

Ilan aniya sa mga inilabas na guidelines ay ang mga sumusunod:

  • Pinapayagan ang audio-video recording para sa documentary purposes at transmittal nito para sa live na pag-ere sa radyo at telebisyon.
  • Kailangang maghain ang lahat ng istasyon ng letter of application sa Quezon City Regional Trial Court.
  • Hindi papayagan ang selective o partial coverage.
  • Hindi papayagan ang mga media entity na mag-ere ng court proceedings ng walang aplikasyon na aprubado ng trial court.
  • Isang camera lamang ang ilalagay sa loob ng court room na kukuhaan ng live feed ng mga istasyon ng radyo at telebisyon.
  • Kailangang ituluy-tuloy ang pag-ere ng proceedings maliban na lamang sa mga bahagi ng pagdinig na hindi papayagan ng korte.
  • Hindi papayagan ang commercial break o anumang gap hangga’t hindi natatapos ang buong proceedings maliban na lamang sa oras ng recess o sa mga bahagi ng pagdinig na hindi maaaring ipakita sa publiko.
  • Hindi papayagan ang voice over maliban na lamang sa mga maiikling anotation.
  • Hindi rin papayagang ulitin ang pag-eere ng proceedings maliban na lamang kung naibaba na ang final judgment at kung mga maiikling footages, still images at cartographic sketch na kuha mula sa recording ang i-eere para sa paglalahad ng balita. Johnny F. Arasga
loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply