Pagpapa-inhibit kay Judge Vargas hinarang

TINUTULAN ng prosecution panel ang pagpapa-inhibit ni road rage suspect Jason Ivler kay Judge Bayani Vargas sa paghawak ng kanyang kasong murder kaugnay ng pagpatay kay Victor Ebarle Jr.

Sa inihaing opposition ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Padullon, binigyang diin na walang basehan ang papa-inbihit sa hukom kaya dapat lamang na ibasura na ito.

Sa motion for inhibition laban kay Vargas, sinabi ng kampo ni Ivler na bias ang hukom dahil hindi inaksyunan ang kanyang mosyon para magpa-confine sa ospital at ipaayos ang kanyang colostomy,  ibinasura ang kanyang waiver of appearance sa isang pagdinig noong marso at nai-contempt ang kanyang inang si Marlene Aguilar.

Argumento ng prosecution, hindi absolute privilege ang waiver sa pagdalo sa hearing dahil mahalaga ang presensiya nito para sa pagtukoy kung talagang nasasakdal sa pagpatay kay Ebarle.

Wala rin umanong bahid ng bias ang hukom nang tanggihan ang hiling na confinement ni Ivler dahil kahit ang unang hukom na humawak ng kaso nito na si Judge Alexander Balut ay ibinasura iyon dahil walang nakitang urgency sa pagpapaayos ng colostomy ng akusado.

Natural din umanong i-contempt ng korte si Marlene Aguilar dahil kailangang protektahan ang integridad at dignidad ng korte matapos na hamunin nito si Judge Vargas ng suntukan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply