Pagpapaliban sa ARMM election hahadlangan

NAGHAHANDA na ng petisyon ang oposisyon sa Kamara para hadlangan ang implementasyon ng pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kina House Minority Leader Edcel Lagman at Davao del Sur Rep. Mark Douglas Cagas, hindi sila magdadalawang isip na maghain ng petisyon sa Korte Suprema sa oras na lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas para rito.

Sinabi pa ni Lagman na naniniwala silang hindi papayag ang Korte Suprema na makalusot ang batas na pinagtibay ng Kongreso para sa pagpapaliban ng naturang eleksyon.

Iginiit din nito na maraming pagkakaiba ang Senate at House version bagay na pinalampas ng Kamara kapalit ng mabilis na proseso ng lehislasyon.

Samantala maliban sa Kamara, naghahanda na rin ang grupo ng ARMM Leaders League (ALL) para sa isang malawakang signature campaign.

Ayon sa grupo labis nilang tinututulan ang postponement ng ARMM elections at kailangan na umano nilang magkaroon ng awtonomiya sa sariling lugar.

Binatikos din ng ALL ang tahasang pakikialam ni Pangulong Benigno Aquino III na tahasang nagsulong para maipagpaliban ang ARMM election sa Agosto 8. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply