Pagpapaliban sa peace talks ikinadismaya ng AFP

DISMAYADO ang pamunuan ng Philippine Army at maging ang Malakanyang sa pahayag ng mga negosyador ng Communist Party of the Philippine-National Democratic Front (CPP-NDF) na pansamantalang ipagpaliban ang nakatakdang pagsisimula ng formal peace talks ngayong Mayo.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagmamatigas ng pamahalaan na na yumuko sa kahilingan nina NDF chief negotiator Luis Jalandoni at NDF panel member Fidel Agcaoili na palayain muna ang dalawa nilang consultant na nadakip ng militar bago ituloy ang usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Army spokesman Col. Antonio Parlade, lantad namang interesado ang gobyerno na maituloy ang sinusulong na usapang pangkapayapaan.

Katunayan ay pursigido naman si Peace Adviser Teresita “Ging” Deles na puspusan ma-ipursige ng gobyerno para mapagbigyan ang nasabing kahilingan ng NDF.

“The statements made by National Democratic Front of the Philippines’ (NDFP) chief negotiator Luis Jalandoni and NDF panel member Fidel Agcaoili are outlandish,” ani Parlade patungkol sa kahilingan na mapalaya ang mga nadakip na sina Tirso Alcantara at isa pang communist rebel leader.

Sa kabila nito, kumpiyansa ang government peace panel na mareresolba ang nasabing problema.

Kaugnay nito hinikayat ni Deles ang NDF panel na magtiwala sa pinaiiral na mekanismo at maaasahan umano ang commitment ng gobyerno tungo sa ganap na kapayapaan sa bansa.

“I am confident that the Panel will manage this issue well and shall release its own official statement soon. I am also confident that given the opportunity, the mechanisms set-up by both parties to address the non-substantive issues will work towards the resolution of this issue,” dagdag ni Deles.

Ayon kay Deles, sa layunin nga na hindi maantala ang peace talks, nagkasundo ang magkabilang panig na magsagawa ng sidetable mechanism para tutukan ang confidence-building measures, implementasyon ng JASIG at pagpapalaya sa mga political prisoners.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply