Pagsasaayos sa Bilibid plantsado na

PLATSADO na ng Department of Justice  (DOJ) ang konkretong proposal hinggil sa kalagayan o sitwasyon sa loob ng New Bilibid Prisons compound.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima,  humingi siya ng palugit kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III  hanggang sa susunod na linggo upang maisumite ang nasabing proposal.

Sinabi ng kalihim na laman ng kanyang proposal kung papaano mababawasan ang pagsisiksikan ng mga preso sa bilangguan  at ang karagdagang pondo para sa bilibid.

Sinabi rin ni De Lima na kanyang nasaksihan ang sitwasyon sa loob ng NBP makaraan silang magsagawa ng ocular inspection.

Napuna aniya niya ang mistulang sardinas na sitwasyon ng mga preso sa NBP lalo na ang mga nasa medium at  maximum security compound.

Umaasa ang kalihim na mapaglalaanan ng karagdagang pondo ang bilibid at ikukunsidera rin ng Pangulo ang posibilidad na pagtatayo ng mga prison facility sa bawat rehiyon upang mapaluwag ang NBP.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply