Pagsibak kay Sulit, sinuportahan, binatikos

BAGAMAT sinuportahan, binatikos din ng kaalyado ang pagsibak ni Pangulong Benigno Aquino III kay Ombudsman Special Prosecutor Wendell Barreras-Sulit na pumalpak sa kontrobersiyal na plea bargaining agreement na pinasok kay dating AFP comptroller Major Gen. Carlos Garcia.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero na bagama’t naging atrasado ang hakbang ng Palasyo sa paghahain ng kaso laban kay Sulit na siyang nagpalusot kay Garcia sa plunder case, mabuti na rin umano ang ginawang hakbang ng Palasyo.

Ngunit, para naman kay Sen. Teofisto Guingona III, napatutunayan lamang na tama ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na sibakin sa puwesto si Sulit dahil talamak ang hinalang nakasabwat ito ng dating military comptroller.

“I agree with and support that move. Should have been done a long time ago,” giit ni Escudero.

Isinailalim si Sulit sa 90-day preventive suspension matapos itong kasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at betrayal of public trust.

Sumabit si Sulit sa naging partisipasyon nito sa plea bargain agreement ng Ombudsman kay Garcia kaya nabura ang P 303 milyong plunder case nito kapalit ng pag-ako sa mas mababang kaso ng direct bribery at pagsasauli ng P 135 milyon mula sa kinurakot nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Marso 10, 2010 pa inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsipa at paghahain ng administrative at criminal charges laban kina Sulit, deputy special prosecutor Robert Kallos at Jesus Michael, assistant special prosecutors Jose Balmeo Jr. at Joseph Capistrano.

“The suspension of the prosecutors by Malacañan is in consonance with the recommendations of the Senate Blue Ribbon Committee report,” ayon kay Guingona.

“Malacañang is therefore paying attention to and following recommendations. This is the way it should be done. The Senate Blue Ribbon Committee comes out with its findings and the executive branch of government implements the recommendations so that justice is achieved,” dagdag ni Guingona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply