Pagsusumite ng scripts sa MMFF pinalawig

PINALAWIG pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival Executive Committee ang pagsusumite ng mga scripts na isasali sa taunang festival ng hanggang Hunyo 9 bilang tugon na rin sa kahilingan ng mga film producers.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang mahigit isang linggong palugit mula sa itinakdang deadline na Mayo 30 ay sapat na upang makahabol sa pagsusumite ng kanilang scripts ang mga film producers.

Ang selection committee ang pipili naman ng walong scripts na isasalin sa isang pelikula ng mga film producers bilang opisyal na makakasali sa taunang festival.

Idinugtong ni Tolentino na maaga ang ginagawang paghahanda ng MMFF Executive Committee upang maging malawak ang pagtataguyod sa mga opisyal na mapipiling pelikula na ipalalabas sa lahat ng sinehan sa Metro Manila mula Disyembre 25, 2011 hanggang Enero 7, 2012.

Inatasan naman ng Executive Committee ang mga film producers o alinmang organisasyon na rehistrado sa kaukulang ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa paggawa ng pelikula na nagnanais lumahok sa taunang festival na isumite sa MMFF secretariat ang mga kinakailangang dokumento tulad ng notaryadong application form na may 15 kopya ng script, kasama ang notaryadong affidavit na magpapatunay na hindi pa ito naisasali sa anumang uri ng timpalak maging lokal o international.

Kailangan din ang patunay na pagbabayad ng halagang P30,000 sa bawa’t script na hindi na puwedeng bawiin at ang detalyadong talaan ng mga artistang gaganap sa pelikula at director at pagpapatunay na ang gagawing pelikula ay batay sa naisumite nilang scripts

Nakatakda naming ihayag sa publiko ni Tolentino, na siya ring tumatayong pinuno ng MMFF Executive Committee, ang walong opisyal na mapipiling kalahok sa tauhang festival sa Hunyo 17 sa Dulcinea Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply