Pagtatalaga kay Ochoa na PAOCC head idinepensa

TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa pagkakatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. bilang pinuno ng kontrobersiyal na Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Binigyang-diin ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na “deserving” si Ochoa na maging pinuno ng PAOCC.

“Ipaalala lang po natin na si ES Ochoa din po kasi ‘yung head ng security cluster. If you notice, pare-pareho po ng duties, pare-pareho ng subject matter and, according also to ES Ochoa, the reorganization is just a restructuring and it’s more of putting things in order na ‘yung pare-pareho pong subject nasa ilalim po ng isang head,” ani Valte.

Bukod dito, tiniyak ni Valte na kaya ni Ochoa ang magiging gampanin nito sa PAOCC lalo pa’t may support system aniya si Ochoa sa ibang trabaho niya.

Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Ochoa bilang PAOCC head kasunod ng pagpapalabas ng Executive Order (EO) No. 46, kung saan ay ipinasa ng Punong Ehekutibo ang panguluhan ng PAOCC sa kaniyang executive secretary.

Kabilang pa sa mga miyembro ng nasabing komisyon ay ang mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, Department of National Defense, Department of Foreign Affairs, National Security Adviser, Armed Forces chief of staff, Philippine National Police director-general, National Intelligence Coordination Agency director-general, National Bureau of Investigation director at ang executive director ng Philippine Center for Transnational Crime.

Kabilang sa mga mandato ng PAOCC ay ang pagbalangkas ng mga action plans at programa para sa pagpapaigting ng mga anti-crime, anti-graft and corruption drive ng gobyerno.

May kapangyarihan din ito na magsagawa ng intelligence at counter-intelligence operations laban sa mga posibleng sangkot sa mga criminal activities.

Saklaw ng PAOCC ang mga kasong may kaugnayan sa drug trafficking, human trafficking, carjacking, gunrunning, robberies, kidnapping for ransom, smuggling at mga transnational crimes.

Taong 1998 ng itatag ni dating Pangulong Joseph Estrada ang PAOCC sa bisa na Executive Order No. 8 bilang isang anti-crime commission. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply