Pagtatayo ng paaralan sa Abra pinatigil ng NPA

DAHIL sa ginawang pag-atake ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ay pansamantalang ipinatigil ng Philippine Army ang pagtatayo ng paaralan sa ilalim ng programang Kalayaan Barangay ng military sa Salapadan, Abra.

Kaugnay nito isang miyembro ng CAFGU ang napatay sa pag-atake na naganap sa lugar habang itinatayo ang paaralan doon.

Ayon sa impormasyon ng militar, tinututulan ng mga rebelde ang pagpapatayo ng engineering brigade ng paaralan ng militar sa lugar na magiging sentro ng mga sundalo sa pagbabantay laban sa rebendeng NPA.

Dahil dito, dismayado ngayon ang mga residente dahil hindi na natapos ang nasabing proyekto, lalo na ngayong malapit na ang pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 6.

Ayon naman sa mga rebelde, ang pag-atake ng mga ito ay bilang suporta sa ilang mga residente doon na tumututol sa presensiya ng militar sa paniwalang banta ang mga ito sa kanilang pamumuhay.

Iginiit  naman ng mga militar na hindi sila titigil at pinaghahandaan na nila ang muling pag-atake ng NPA para lipulin ang mga ito na nagsisilbing sagabal sa kanilang programa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply