Pahinante lasog sa trak

ISANG hindi pa nakikilalang pahinante ng kulurom na towing truck ang nasagasaan ng hinihila nitong 14 wheeler truck sa C5 road sa Taguig City.

Napag-alaman na hinihila ng tow truck ang malaking truck na may kargang mga bakal nang biglang maputol ang kable na nakatale sa tumirik na truck. Nahulog umano ng biktima at nagulungan ito ng kanilang hinihilang sasakyan.

Lasug-lasog ang katawan ng biktima at iniwan na lang ng kanyang mga kasamahan at nagsitakas sakay ng isa pang tow truck na hinihinalang kulurom din.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Taguig police sa pagkakakilanlan ng biktima dahil sa wala itong kahit anong id.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply