‘Palakasan’ sa piitan inamin ng NBP official

AMINADO ang isang mataas na opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) na mayroong “palakasan system” at hindi pantay-pantay ang pagtrato sa mga preso sa loob ng pambansang piitan.

Inihayag ni Chief Supt. Ramon Reyes sa pagdinig ng House justice committee na totoong may “double standard” sa loob ng Bilibid dahil sa mga mayayaman at makapangyarihang tao na nakakulong dito na kayang bumili ng sariling pagkain at bitamina.

Ang mga maperang preso ay pinapayagan umanong magpatayo ng mga kubo at tumira doon habang ang mahihirap na preso ay nananatili na lamang sa kanilang mga siksikang kulungan.

Ang pagdinig ay bunsod ng pagkakahuli kay dating Batangas Gov. Jose Antonio Leviste na nasa Makati City gayung  dapat ay nakakulong ito sa Muntinlupa sa kasong pagpatay.

Lumalabas na pinahintulutan ng mga opisyal ng NBP ang paglabas-masok ng dating gobernador sa kanyang kulungan kapalit ng hindi pa malamang pabor.

Ayon kay Reyes, nakaugat na umano sa kultura ng mga Filipino, kahit pa sa mga kulungan, ang pag-iral ng “double standard.”

Sinabi ni Ako-Bikol  Rep. Rodel Batocabe, mahirap nang maalis ang ganitong sistema, subalit umaasa ang mga lalahok sa pagdinig na makapagbabalangkas sila ng mga panuntunan na mapawi ang bulok na sistemang ito sa mga piitan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply