Palasyo binalaan sa paggamit ng MDT vs China

BINALAAN ni Sen. Francis Escudero ang Palasyo sa padaskul-daskol na paggamit ng US-Philippine Mutual Defense Treaty (MDT) sa panghihimasok ng China sa teritoryo ng bansa nang walang mahusay na pagsusuri sa probisyon nito.

Iginiit ito ni Escudero sa harap ng pahayag ng isang opisyal sa Palasyo na nakatakdang tumulong ang Washington sa Pilipinas kapag tuluyan nang uminit ang sigalot sa Spratly Islands.

Sa nakaraang buwan, uminit nang uminit ang word war ng Pilipinas sa ilang opisyal ng China hinggil sa posibleng komprontasyon ng mga Filipino sa grupo ng islang mayaman sa langis na kinakamkam din ng Brueni, Malaysia, Vietnam at Taiwan.

“I urge Palace officials to carefully review the MDT and read through its fine prints and get confirmations from the US government through its ambassador if indeed this situation is covered or what the limitations there may be to the application of the MDT from the point of view of the US government,” paliwanag ni Escudero.

Hinikayat pa ni Escudero, na nagsusulong ng diplomatikong solusyon sa pinagtatalunang isla, na italaga ang Department of Foreign Affairs (DFA) bilang lead agency sa pakikipag-usap sa publiko sa halip na ang Palasyo sa pamamagitan ng tagapagsalita nito upang maiwasan ang pagkakamali.

“Any issue or conflict must be resolved through peaceful and diplomatic avenues as stipulated in the ASEAN Declaration on the Conduct of Parties in the South China Seas,” giit ng senador.

Inihayag ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Eduardo Oban, Jr. na nagiging maingat ang military na hindi magsimula ng lantarang sagupaan sa Spratlys pero pinananatiling aktibo ang posturang depensa nito.

“Oban admitted though in another statement that the country can do little if China resorts to force to lay its claim on the territory and remained hopeful that the Americans will not stand aside should the conflict erupts and that they can invoke the MDT with the US,” ayon kay Escudero.

Ginamit pa ni Escudero sa babala ang pahayag ni US Ambassador Harry Thomas na nanawagan sa kabuuang implementasyon ng 2022 Declaration of Conduct between China and the Association of Southeast Asian Nations.

“I really am hopeful that this issue can be settled without bloodshed. And if at all this should escalate, we really have an ally in the US not only as stipulated in the MDT but as a gesture of long-standing friendship. The last thing we like to see happening is to be encouraged and to be emboldened to fight with an assurance of an ally but find ourselves alone in the field. Only because we did not do our own compliance like checking what we really have in fine prints with the US,” paliwanag ni Escudero. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply