Palasyo dedma sa mababang rating ni PNoy

HINDI apektado ang Palasyo sa pagbaba ng satisfaction rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III base sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS), ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi ni Lacierda na walang dapat ikabahala dito dahil hindi malaki ang ibinagsak ang “neto” o basehan ng satisfaction rating ng Pangulo.

Mula sa dating 51 porsiyento satisfaction rate ay dumausdos ito sa 46 porsiyento.

Ayon kay Lacierda, noong Marso ay bumaba rin ang satisfaction rating ni Pangulong Aquino sa 64 porsiyento mula 69 porsiyento.

Hindi naman umano nagbago ang dissatisfaction rating ng Pangulo, ang sistema lamang ng SWS ang siyang “inconsistent.”

Bukod pa rito, maraming suliranin na kinahaharap ang bansa na siyang nagmamarka sa mga tao kaya di maiiwasan ang pagbaba ng rating ng Pangulo.

Ilang mambabatas din ang nabigla sa pagbaba ng rating ng Pangulo. Ngunit ayon kay Lacierda, marami ang nagulat dahil hindi masyadong malaki ang pagbaba ng satisfaction rating nito kumpara sa inaasahan.

Dagdag ni Lacierda, tumaas ang mga bilang ng nagkatrabaho sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Aquino, bagama’t kakarampot lang ang tinaas nito.

Tiniyak ng tagapagsalita ng Malakanyang na pina-iigting pa ng gobyerno ang paglikha ng mas marami pang mga trabaho.

Bukod dito magpapagawa rin ito ng maraming imprastraktura upang maging mas maganda ang mga daanan at makalikha rin ito ng maraming trabaho.

May plano rin aniya ang Palasyo para sa mga Pilipinong bumalik sa bansa dahil sa mga gulo sa mga bansang dating pinagtatrabahahuhan ng mga ito.

Ayon kay Lacierda maaaring iempleyo nila ang mga ito sa loob ng bansa o bigyan ng ibang trabaho sa ibang bansa.

May magandang imahe umano ang mga overseas Filipino worker (OFW) at nakikita ito ng ibang bansa kaya patuloy na kumukuha ang mga ito ng mga Filipinong trabahador. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply