Palasyo ‘di susuko sa postponement ng ARMM polls

HINDI pa rin sumusuko ang Malakanyang na makakalusot pa rin sa Kongreso ang panukalang batas para sa pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakda sa Agosto 8.

Patuloy ngayong araw (Hunyo 1)  ang pagdinig ng Senado hinggil sa panukalang batas na dinaluhan nina Political Adviser Ronald Llamas, Interior Secretary Jesse Robredo at Peace Adviser Teresita “Ging” Deles.

Nakipagpulong ang Pangulo sa ARMM officials na kinabibilangan ni Regional Gov. Ansaruddin Adiong at Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu.

Pero batay sa pahayag ni Sen. Bongbong Marcos, hindi magiging favorable sa postponement ng ARMM elections ang kanyang committee report at lumalabas na may consensus ang mga senador laban sa panukala.

Sinabi ngayon ni presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi pa naman pinal ang nasabing desisyon ng Senado dahil hindi pa natatapos ang pagdinig.

Makabubuti umanong hintayin ang mga susunod na development bago magbigay ng kaukulang reaksyon.

“The Senate has not acted on the bill with finality. Let’s wait for further developments,” ani Lacierda.

Una nang sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na wala pa silang ibang opsyon at umaasang makalulusot pa rin ang panukalang batas na sinertipikahang “urgent” ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply