Palasyo maglalabas ng statement sa pagpapalibing kay Marcos

NAKATAKDANG maglabas ng opisyal na pahayag ang Malakanyang ngayong araw, Hunyo 4, hinggil sa rekomendasyon ni Vice President Jejomar Binay sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Base sa mga lumalabas na report, inirekomenda ni Binay na ilibing na lang ang dating pangulo sa Ilocos Norte at bibigyan ito ng full military honors.

Matatandaang itinoka ni Pangulong Noynoy Aquino ang naturang usapin sa pangalawang pangulo kung nararapat maihimlay sa libingan ng mga bayani ang labi ni Marcos alinsunod sa request ng kanyang pamilya.

Ayon naman kay Senador Bongbong Marcos, hindi muna siya maglalabas ng pahayag hangga’t hindi niya nakakausap ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Hihintayin na lang nila ang ilalabas na pahayag ng Malakanyang bago sila magkomento sa naturang usapin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply