Palpak na grado ni Boss PNoy

SA araw na ito, gagradweyt si PNoy sa kindergarten bilang Boss sa repablik ni Juan.

Muli tayong sisilip sa mga aralin na kanyang pinagdaanan sa loob ng isang taon.

Bibigyan natin ng marka ang report card nito.

oOo

Kahapon binigyan natin siya ng bagsak na grado.

Heto:

Petrolyo – bagsak dahil hindi niya naibaba kundi tumaas pa ang presyo nito;

Kuryente – bagsak dahil lalong tumataas ang presyo nito;

Kontraktuwalisasyon – bagsak dahil wala itong nagawa para palayain ang mga obrero sa
walang katiyakang trabaho at mababang sahod dito.

Pantawid Pasada – bagsak dahil konsuwelo de bobo lang ang halaga rito at walang karga ang card sa mga lalawigan; at

Migrante – bagsak dahil patuloy ang paglayas ng mga obrero na pinapatay at ginugutom ng kontraktuwalisasyon.

oOo

Ipagpatuloy natin ang paglalagay ng marka sa card ni Kindergarten PNoy.

Pantawid Sakit (PCSO) – bagsak dahil ngayon lang dumami ang umiiyak na namamatayan sila ng maysakit sa kawalan o kakuriputan o masahol pa sa pagong na pagkilos ng charity agency na ito.

Tubig – bagsak dahil pataas nang pataas ang presyo ng tubig.

Korapsyon – bagsak dahil habang sumisimangot ito sa korapsyon sa nakaraan, lumilitaw naman ang mga bagong korapsyon ng kanyang mga KKKKKK  (Kaibigan, Kabarilan, Kaklase, Kamag-anak, Kapartido, Kakampi).

Negosyo – bagsak dahil ang mga malalaking negosyante lang ang yumayaman.

Empleyo – bagsak dahil sa kawalan ng mapa-sukan at kung mayroon man ay kontraktuwal naman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply