Pamangkin ng dating Comelec commissioner timbog sa droga

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamangkin ng isang dating Commission of Election (Comelec) Commissioner matapos ang isinagawang raid loob ng kanyagn bahay sa San Andres, Manila.

Kinilala ni PDEA director Wilkins Villanueva ang suspek na si Sohayle Babao, negosyante, nasa hustong gulang residente ng Amatista St., San Andres, Manila.

Nabatid sa ulat na ang suspek ay pamangkin umano ni dating Comelec Commissioner Moslemen Macarambong na isa sa pinaghihinalaang pinanggagalingan ng illegal drugs sa naturang lugar.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng th a search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court.

Ang ginawang pagsalakay ay nagkatensyon nang magkagirian ang mga awtoridad at mga rumespondeng mga kaibigan at kaanak ng suspek.

Kinailangan pang humingi ng police assistance ang mga tauhan ng PDEA sa Manila Police District para maiwasan ang karahasan.

Maging si Macarambong ay dumating sa bahay ni Babao pere hindi naman ito nanghimasok at ipina-ubaya sa awtoridad ang pag-aresto ng PDEA sa kanyang pamangkin.

Nakuha ng mga awtoridad ang mga sachet ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride sa loob ng kanyang bahay bandang alas 10:00 Huwebes ng gabi, Hunyo 9.

Ayon kay Villanueva si Babao ang itinuturong pangunahing supplier ng droga at ang pinanggagaling nito ay mula sa mainland China.

Napag-alaman na si Babao ay itinuturing “Robin Hood” sa kanilang lugar dahil sa pagiging matulungin nito sa mga nangangailangan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply