Pamilya ng bayaning OFW sa HK tatanggap ng benepisyo

IBIBIGAY na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kaukulang benepisyo sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na namatay matapos sagipin sa tiyak na kamatayan ang inaalagaang bata na anak ng kanyang employer sa Hong Kong.

Bukod sa P200,000 accident benefit, sinabi ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na tatanggap din ang pamilya ni Juanita Limbaga Augustin, 31, ng P20,000 na panggastos sa kanyang pagpapalibing.

Sinabi ni Dimzon, ang kanilang ahensiya rin ang tutulong sa pagpapauwi sa bansa ng bangkay ni Augustin at tutulong din sa pagkakaloob ng abogado upang makapaghain ng kaukulang kaso laban sa driver ng tourist bus na nakasagasa sa kanya, pati na sa kompanyang nagmamay-ari nito.

Nagpahatid na rin ng pakikiramay si Dimzon sa asawa ng biktima na si Edwin Augustin at tiniyak na siya mismo ang magbibigay ng tseke sa pamilya ng nasawi, oras na makapaghain na ng benefit claim.

Magugunita na namatay si Agustin noong Hunyo 11 matapos na mabundol ng humahagibis na tourist bus habang tumatawid, kasama ang anim-na-taong gulang na inaalagaan na ihahatid sana sa paaralan.

Ginamit ng OFW ang kanyang katawan upang mailigtas sa kamatayan ang alaga.

Si Agustin ay nagtamo ng maging matinding pinsala sa katawan habang nakaligtas naman ang bata na nagtamo lamang ng mga bahagyang galos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply