Pampasaherong bus naholdap sa Makati

HINOLDAP ng limang armadong lalaki ang isang pampasaherong bus sa southbound lane ng Makati City kaninang alas-3:00 ng madaling araw, Hunyo 11.

Ayon kay Plaridel Puraganan, driver ng Don Mariano Transit Bus na may plakang UVF-600, sumakay ang isa sa mga suspek at pagsapit sa bahagi ng Edsa-Estrella ay nagdeklara ng holdap.

Hindi kalayuan sa EDSA-Estrella pinahinto ng suspek ang bus at pinapasok ang apat pa niyang kasabwat.

Nalimas ng mga suspek na armado ng uzi at kalibre .45 pistol ang pera at iba pang mga kagamitan ng 10 pasahero ng bus na karamihan ay mga babae.

Makaraan ang panghoholdap ang mga suspek ay bumaba sa EDSA at sumakay sa isang kulay dark blue na van na hindi nakuha ang plaka na naghihintay sa mga suspek bago tumakas patungo sa direksyon ng Paranaque.

Nagsasagaw na ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad upang matunton ang sasakyang ginamit ng mga suspek. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply