Pamumudmod ng CCT ipinaubaya sa DSWD

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang napaulat na iregularidad sa pamamahagi ng conditional cash transfer (CCT).

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, bahala na si Social Welfare Sec. Dinky Soliman na humimay ng nasabing impormasyon upang kagyat na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon.

Umaasa naman ang Malakanyang na agad makakapagpalabas ng report ang Kalihim lalo pa’t importanteng programa ng pamahalaan ang CCT.

Tinatayang P21 billion ang inilaan ng Aquino administration sa naturang programa na target ang mga mahihirap na pamilya.

Sa isiniwalat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ilang mga nakakatanggap ng CCT ay galing sa mayayamang pamilya sa Mindanao.

Binigyang diin ni Usec. Valte na nais din nilang malaman ang katotohanan sa nasabing reklamo ng MILF.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply