Panel na didinig sa reklamo vs 3 S’bayan justices binuo

BUMUO na ang Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutors na hahawak sa reklamong krimimal na isinampa laban sa tatlong mahistrado ng Sandiganbayan na nag-apruba sa plea bargaining agreement ni dating military comptroller Carlos Garcia.

Sa ipinalabas na kautusan ng kagawaran na pirmado ni Justice Secretary Leila de Lima, kabilang sa mga miyembro ng nasabing panel sina Assistant State Prosecutor Mari Elvira Herrera, na siyang tatayong chairman, Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Hazel Decena-Valdez.

Sina Sandiganbayan Justices Edilberto Sandoval, Teresita Baldos at Samuel Martires ay ipinagharap nina dating party-list Rep. Risa Hontiveros at retired Brig. Gen. Danny Lim ng paglabag sa Revised Penal Code dahil sa pagpapalabas ng “unjust interlocutory order.”

Una nang nanindigan  si De lima na bagama’t ang Tanggapan ng Ombudsman ang may pangunahing hurisdiksyon na mga ganitong uri ng reklamo, may tinatawag namang concurent jurisdiction ang DOJ sa paghawak sa nasabing kaso.

Kapag nakitaan umano ng sapat na batayan ang reklamo ay saka pa lamang umano ito hahawakan ng Ombudsman, na siya namang mag-aakyat ng kaso sa Sandiganbayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply