‘Pang-asar’ sa Tsina inilatag ni Recto

INILATAG ni Sen. Ralph Recto ang tila pang-asar sa Tsina sa pamamagitan ng pagpapadala ng relief-rescue mission doon sa kabila nang panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Sinabi ni Recto na dapat ikonsidera ng Palasyo na magpadala ng humanitarian and rescue mission sa Tsina upang tumulong sa nagigipit na mamamayan sa ilang lalawigan ng naturang bansa sanhi ng malawakang pagbaha.

Aniya, dapat samantalahin ng bansa ang oportunidad na maipakita sa Beijing na sa harap ng lumalalang tensyon sa Spratly Islands ay dapat tuparin ng gobyerno ang obligasyon nito na tumulong sa kalapit-bansa na nagigipit.

“After more than a week of saber-rattling with China, we should take a pause by rushing to the side of a neighbor in need, which may be regarded as powerful but still not exempt from natural devastations like us,” giit ni Recto.

Ayon sa senador, maaaring kausapin ng gobyerno ang Philippine National Red Cross (PNRC) na makipagkooperasyon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Philippine National Police (PNP) upang makapagpadala ng isang composite team sa China.

“Aside from my proposal to engage China economically instead of militarily over the Spratlys issue, we now have an opportunity to open a new door of engagement which is humanitarian and relief effort,” ayon kay Recto.

Idinagdag pa ni Rector: “The Chinese people would appreciate this act not as a mere ‘pa-pogi’ stunt but as a sincere gesture from a neighbor which has also its own share of natural calamities, like the deadly Ondoy-induced floods.”

Aniya, kahit hindi mapapansin ang rescue-humanitarian contingent sa lawak ng rescue at rehabilitasyon sa Tsina, makita lamang ang presensiya ng mga Filipino na tumutulong sa nagigipit na Chinese communities, mas higit pa ito sa “isang libong Philippine patrol boat sa karagatan ng Spratlys.”

Hindi rin dapat maging hadlang ang humanitarian team sa China sa isinasagawang pagtulong ng pambansang pamahalaan sa komunidad sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na lubhang apektado rin ng pagbaha.

Mahigit sa 37 milyon katao ang apektado ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa dulong bahagi ng Yangtze River na nag-iwan ng mahigit 1.64 milyon katao ang nawalan ng tirahan sa 510 lugar sa lalawigan ng Jiangsu, Zhejiang, Anhui, Fujian, Jiangxi, Hubei, Hunan, Guangdong, Sichuan, Guizhou at Yunnan, kabilang ang Guangxi Zhuang Autonomous Region at munisipyo ng Chongqing.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply