Pangingisda sa Taal Lake mapanganib pa

NANANATILI pa rin sa low level ang dissolved oxygen (DO) sa apat na bayan ng Batangas na inangangambahang tatagal pa ang nangyayaring fish kill incident sa palibot ng Taal Lake.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dir. Asis Perez, sa ngayon ay nanatili pa rin sa low level ang tinatawag na dissolved oxygen (DO) sa apat na mga bayan ng Batangas, kung kaya hindi pa rin ligtas ang pangingisda.

Kabilang sa mga lugar na apektado ay ang bayan ng San Nicolas, Laurel, Agoncillo at Talisay.

Una ng pinayuhan ng BFAR ang mga fish cage owners na ilipat ang kanilang mga palaisdaan sa bahagi ng lawa na mataas ang suplay ng oxygen.

Sinabi naman ni Perez na nakahanda umano ang kanilang tanggapan na tumulong sa mga apektadong mangingisda sa gagawing paglipat ng mga fish cage sa mga safe areas para sa kanilang mga alagang bangus at tilapia. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply