Panibagong fishkill naitala sa Batangas

PANIBAGONG fishkill na naman ang naitala sa Batangas ngayong madaling-araw ng Lunes, Hunyo 20.

Nabatid na sinusubukang resolbahin ng mga may-ari ng fishcage ang naturang problema upang maagapan kaagad ang pinsalang maaaring idulot nito.

Batay sa pahayag ni Talisay, Batangas Mayor Zenaida Mendoza, bagama’t may mga naglutangan na umanong isda sa Birinayan, Laurel, posible pa rin namang maagapan ang ibang isda sa ilang bahagi ng Taal Lake.

Batay kay Mendoza, nakatanggap siya ng ulat na nagkulay dilaw muna ang tubig matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan at pagkalipas lamang ng ilang sandali ay naglitawan na ang libu-libong isda sa lawa.

Sinusubukan naman ng ilang fishcage owner na bombahan ng oxygen ang kanilang nasasakop na lugar upang maisalba pa ang mga natitirang isda.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply