Panibagong oil price hike ipinatupad

UMAKYAT na naman ang presyo ng mga produktong langis ngayon, Martes, ika-14 ng Hunyo, dahil nagmahal din ang krudo sa world market.

Naunang nagpatupad ng pagtaas ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. kaninang 12:01 ng madaling araw ng 50 sentimos sa presyo ng unleaded at premium gasoline, 60 sentimos para sa diesel at 40 sentimos para sa kerosene.

Sumunod naman ang Chevron o Caltex at Petron, na nagtaas ng kaparehong presyo sa Shell kaninang alas-sais ng umaga.

Hindi pa naman umumento ang pump price ng mga independent players kaya inaasahan itong dadagsasain ng mga tsuper.

Idinahilan ng Department of Energy ang kakulangan ng supply ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan bunga ng hindi pagkakasundo ng mga miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na taasan ang kanilang produksyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply