Paninigarliyo sa pelikula pinakialaman ng MMDA

TAHASANG pinakialaman na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga producers ng mga pelikulang isasali sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) na tanggalin ang mga eksena na may karakter na naninigarilyo bilang pagsuporta sa kampanya sa “no smoking ban” ng ahensya.

Sinabi ni MMDA chairman, Francis Tolentino, na base umano sa mga pag-aaral, nakahihikayat sa mga manunuod na manigarilyo matapos ang pelikula lalo na kung may mga eksena na naninigarilyo ang mga karakter.

Taunang isinasagawa ang MMFF tuwing Pasko at walong pelikulang gawang Pinoy ang pinipili ng MMDA at ng executive committee nito.

Nabatid na pinalawig ang palugit para sa pagpapasa ng mga “script” ng isusumiteng mga pelikula mula Mayo 30 hanggang Hunyo 9 na lamang.

Idinagdag pa ni Tolentino na napakalaki ng impluwensya sa mga bata ang panunuod ng mga pelikula na may naninigarilyong eksena lalo na kung ang bida na kadalasan ay kanilang ginagawa sa kanilang paglaki.

Hindi umano dapat magbigay ng maling mensahe ang mga gumagawa ng pelikula sa mga bata at sa halip ay angkop at positibong mga pag-uugali at kung maaari ay iyong nagpapahalaga sa kalusugan.

“When a popular actor or a movie lead character lights up a cigarette on screen, it sends out a message – subliminal or otherwise – that smoking is cool,” paliwanag ni Tolentino.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply